Saturday, September 8, 2012

Buwan ng Wika 2012







     Taon-taon sa tuwing sasapit ang buwan ng Agosto bawat paaralan ay nagdiriwang ng Buwan ng Wika. Nagsisilbi itong daan sa bawat Pilipino upang malaman nila ang kahalagahan at kung paano dapat pahalagahan ang sariling wika. Ito rin ay nagsisilbing pag-alala sa nagawa at naiambag ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Wikang Pilipno. Sa taon ngayon ay ipinagdiriwang ito na may temang, "Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino".
     Sa paaralan ng Aemilianum College, Inc. ipinagdiwang ang Buwan ng Wika ng Departamento ng Kolehiyo sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga patimpalak at simleng palatuntunan na nilahukan ng mga mag-aaral at guro. Ika-28 ng Agosto, ika-8 ng umaga ay inumpisahan ang patimpalak para sa Slogan at Poster Making na ginanap sa silid-aklatan ng paaralan. Maraming mag-aaral ang nagpakita ng kanilang galing sa pagguhit at pagdidisenyo. Pagsapit ng hapon, ginanap sa auditorium ng paaralan ang patimpalak sa isahang Pag-awit, Handang Talumpati at Biglaang Talumpati. Ipinakita ng mga piling mag-aaral na sumali sa patimpalak ang kanilang talento at angking husay sa pagsasalita at pag-awit.
     Araw ng Miyerkules, ika-29 ng Agosto, ginanap naman sa silid-aklatan ang pagsulat ng tula at pagsulat ng sanaysay. Kung titingnan ang mga lumahok na mga mag-aaral ay tila sobra silang inspirado sa pagsusulat. Hapon ng araw na iyon ay ginanap naman sa gym ang Laro ng Lahi na nilahukan ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Masayang naglaro ang mga mag-aaral na tila isang pagbalik sa pagkabata ang naging epekto sa kanila nang sila ay nakilahok sa mga iba't ibang palaro.

     Ika-30 ng Agosto, umaga ng araw na iyon ay abala ang mga mag-aaral sa pag-aayos at pag-aasikaso ng pagdarausan ng palatuntunan na gagawin sa hapon. Ang mga mag-aaral naman sa unang taon ay abala sa kanilang ensayo para sa kanilang hinandang sayaw at kanta para sa palatuntunan. Pagsapit ng pananghalian, ang mga mag-aaral sa bawat kurso ay nagsalu-salo sa kanilang hinandang pagkain.

Pagsapit ng hapon ay ginanap na ang palatuntunan sa gym ng paaralan. Inumpisahan ito ng isang sayaw papuri mula sa piling mag-aaral sa unang taon. Sinundan ito ng pag-awit ng pambansang awit sa pagkumpas ni Sheena Mariz Endraca. Nagbigay naman ng mensahe si G. Elmer Valenzuela. Sumunod ay ang pagsayaw ng mga mag-aaral sa unang taon sa pagsasanay ni G. Edzel Bon. Pagkatapos ng sayaw ay sumunod na ang pagsuot ng mga magagandang FilipiƱana at Barong Tagalog ng mga mag-aaral sa unang taon. Ito ay para sa pagpili ng Lakan at Lakambini ng Wika 2012. Pumili ang mga hurado ng limang babae at lalaki na umangat ang simpleng kagandahan at kagwapuhan sa lahat ng estudyante. Tinananong sila bawat isa upang pormal na mapili ang Lakan at Lakambini. Habang pumipili ang mga hurado ay nagbigay ng awitin si Edwin Deuna na mag-aaral sa ikalawang taon. Pagkatapos ay itinanghal na ang Lakan at Lakambini na nagmula pareho sa kurso ng Engineering. Si Madonna Fuentes, Lakambini 2011 at Bro. Noel Sitchon ay iginawad ang sash at ipinutong ang korona sa bagong tanghal na Lakambini 2012 na si Charlene Cardeno. Si Christian Deyto, Lakan 2011 at Gng. Lydia Aninipot naman ang nagbigay ng sash sa bagong tanghal na Lakan 2012 na si John Arvey Acosta. Nanumpa ang mga opisyal ng SAMAFILKO sa pangunguna ng direktor ng paaralan. Kumanta naman ang chorale ng paaralan sa pangunguna ni G. Mac Leoncito at Gng. Fema Aidalla. Sinundan ito ng paggawad ng mga papremyo sa lahat ng mga nanalong mag-aaral na sumali sa iba’t-ibang patimpalak. Hindi rin pahuhuli ang mga guro na nagbigay ng kanilang inihandang sayaw sa saliw ng musika na Pantomina. Natapos ang Buwan ng Wika na maganda at makahulugan na naman sa bawat mag-aaral ng lahat ng paaralan sa bansa.

Monday, September 3, 2012

A Memorable Acquaintance Party





     An Acquaintance Party was held last July 27, 2012 at the Aemilianum Gymnasium. It was arranged and organized by the Student Council Officers of the Institution. They organized it for all the college students of Aemilianum College Inc. This aims to unite each and every student to each other. It also serves to have strong bond and camaraderie to old and new students. 

     The party started at 7 pm as the instructors, administration and students have their grand entrance at the red carpet. As they have all sited, the lady and master of ceremonies Ms. Veronica Tayam and Mr. Nelson Lacra Jr. started the program. The program started with a doxology from the selected students of Jardin de Maria and immediately followed by the singing of the National Anthem conducted by the Auditor of the SCO Ms. Sheena Mariz Endraca.  The Vice President of the SCO deliver his opening remarks. The oath taking ceremony of the SCO followed. Afterwards, the SCO President Mr. Milan Bausa gave his message to all the students of the Institution. Two students shared their talent of singing to everyone. The director Fr. Romel E. Ermita, CRS gave a message to everybody. The ARC showed their intermission number and as expected, everyone was amused of their talent in dancing. 

     Dinner was served while some students formed a band and sang rock songs while everyone is eating. As almost everybody was full, the lady and master of ceremonies are back to introduce the presentation of Mr. Carlo Mark Simon. As it started, students are echoing with their laughs and screams as they watch their stolen and prepared photos flashed at the wall. Afterwards, the party started and students started to enjoy. They party all night.

    Around 10 pm, the party stopped for awhile. It was the time to give the awards for freshmen students who stand out with their stunning beautiful and handsome appearances at that night. The awards are Mr. and Ms. Head Turner of the Night, Mr. and Ms. Face of the Night and the best award the Mr. and Ms. Star of the Night. As the winners was announced, the party resumed and the students enjoy the remaining time of the party. It was finished at 12 midnight and for sure each and every student enjoyed their  Memorable Acquaintance Party.